Monitoring your profits with a simple cash in-cash out plan

Dear SERDEF counselor,

Ako po ay may maliit na canteen na naka-puesto sa entrance ng isang subdibisyon sa Taytay, Rizal.  Maganda naman po ang negosyo dahil may ilan ding opisina na malapit sa aming kainan. Marami sa mga employees dito ay sa aming canteen kumakain o dili kaya ay nagpapabalot para ibaon sa trabaho.

Ang problema ko ay mula nang pinangakan ko ang aking bunso 1-1/2 na taon na ang nakakalipas ay bihira na akong makapunta sa canteen.  Pinapatakbo ko ito by remote control, wika nga.  Tiwala naman ako sa aking katulong (dating yaya ng mga bata) at ang kanyang kasama.  Sila ang tagaluto, tagabantay, tagasilbi.  Ang gawain ko na lang ay ang mamili ng mga supplies tuwing Linggo.

Ngunit palagay ko po ay hindi ako dapat gaanong magtiwala.  Ano po ang puede kong gawin upang magkaroon ako ng konting control sa aking negosyo kahit nasa bahay lamang at bihirang makasilip sa tindahan?

Babes Roque

Taytay, Rizal

 

Dear Babes:

Naglilista ka ba ng cash in at cash out?  Importante yun para ma-monitor mo ang kita ng iyong negosyo.  Simple lang at madali ang paggawa nito:

Cash In Cash Out Plan

Cash in

1.  Cash at the beginning of week/month

2.  Cash from sales of week/month

3.  Any other cash in__

Total Cash In

Cash out

1. Cash out for supplies used for the week/month

2.  Cash out for labor for the week/month

3.  Cash out for Rent for the week/month

4.  Cash out for Electricity, Water for the week/month

5.  Other cash out (transportation, etc.)

6.  Total Cash out

Cash In minus  Cash Out = Cash at the end of the week/month

Babes, kapag ginawa mo ang cash in mo for the week, ganoon din ang gawin mo sa cash out mo for the week.  Sa katapusan ng linggo, makikita mo kung may kita ka o wala.

Pag namilli ka ng gamit, importanteng kwentahin mo agad, humigit-kumulang, kung para sa ilang bentahan ang mga pinamili mo kapag naluto na.  Halimbawa, namili ka ng isang kilong pang mechado.  Estimahin mo kung mga ilang order ang puwede sa isang kilo at kung magkano ang bayad sa bawat order.  Gawin mo ito para maka-sigurong  walang kupit ang kahit sino.  Pero magbigay ka naman din ng palugit. Kung sa tingin mo ay mga 10 order ang puwede sa isang kilong pinamili mong pang mechado, ilagay no na lang na mga 8 or 9 na order ang bentahan.

Puede mo ding sabihin sa iyong mga empleyada na magtala ng bawat benta araw-araw.  Tingnan mo kung magtutugma sa ibibigay sa iyong perang kinita pag-uwi nila sa gabi.  Pagaralan mo din ang mga tala, tingnan mo ang mga trends — pababa ba o pataas?  Kung sobrang bumaba, magtanong ka kung bakit.

Ang isa pang maipapayo namin: paminsan-minsan mong puntahan mo ang iyong canteen.  Isang beses isang linggo, dalawang beses.  Para wika nga, on their  toes ang iyong mga pinagkakatiwalaan.

Baka makatulong din kung basahin mo ang artikulong makikita din dito sa aming website:  “Business at its most basic: putting up a retailing store.”

1 Comment on Monitoring your profits with a simple cash in-cash out plan

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*